Nandito ako naka upo, tela't unan sa aking ulo.
Pintong laging sarado, katahimikan sa buong kwarto.
Purong itim sa bawat gilid, sa nag iisa't pikit s'aking silid.
Tainga ko'y naging manhid, katahimikan sa aking paligid.
Sa lamesa sa aking sala,'sang libro puno ng mga letra.
Lumaki kang nag iisa, tahimik ka nang nagbabasa.
Kwento at mga turo, tanging laman ng akin ulo.
Nabasa mo sa libro, tinandaan bawat yugto.
Buwan kang laging naka silip, sa bintana bago umidlip.
Buong gabing hindi nainip, sinubaybayan mo ako sa halip.
Salamat buwan lagi kang nandito, sa bawat gabi di ka nag bago.
Pasasalamat ko ay iyong iyo, tanaw sa bintana ng aking kwarto.
![]() SFGS 23 Community Member ![]() |
|